Mayor Jaime Ortega of Aborlan, Palawan Explains The Approval






BAKIT PUMIRMA SI MAYOR JAIME ORTEGA SA RESOLUSYON?


Dahil doon sa nakita ko sa Iloilo ha, sa pag-iinterview namin sa kanila, sila mismo kasama doon sa iniinterview namin, nakita ko na wala namang masama na idudulot itong coal power plant..ha.kaya nagdesisyon ako nong binigay sa akin yong papel na tutal yon eh wala rin akong magagawa/ i-veto ko man yan, sa loob lang ng 5 days o ilang days, ibabalik din sa akin ng Sangguniang Bayan yan dahil as a majority sa committee ng environment ay pitong kagawad ang pumirma.i-veto ko man yan, lalo lang mapapabilis at wala ring saysay ang pag-veto ko. sa loob ng 15 days or 10 days na hindi ko pirmahan yan, eh mapadala rin yan sa province. kaya inisip ko bakit aantalahin ko pa na doon din pupunta at nakikita ko na makakatulong ito sa bayan ng Aborlan. kaya tumayo na ako bilang political will ko na gusto ko din umasenso itong bayan ng Aborlan kaya pinirmahan ko. walang pumilit sa akin, ginamit ko ang sarili kong utak na sinasabi nila na ako ay bobo pero inano ko ang damdamin ko doon para sa mamamayan ng Aborlan. Kaya pasensya po sa inyo na alam kong kayo ay tutol, hindi ko pinapakialaman ang inyong mga desisyon kaya sana wag nyong anuhin yong aking desisyon. kung mali po ang aming ginawa, malaya po kayo, iparating nyo sa korte, haharapin po namin nang maluwag yan. at kung kami ang nagkamali, haharapin namin sa taong bayan yan. ang sa akin lang po, ako ay nanghihinayang kung ito'y ating pawawalan dahil unang una po andito si mam evelyn. ang iloilo ilang population mam? (500. almost 500 thousand) dito tayo ay nasa trenta mil lang mahigit. at ayon pong power plant na itatayo natin ay 15 megawatts lang. doon sa ___ sa inyo mam ilan? (164 megawatts (?) tapos dadagdagan pa nila ng hundred fifty ...) at yon ay syudad! sa dami ba ng tao sa syudad kung yan eh nakakamatay o nakakabigay ng di maganda, yong mga tao ba don eh tatahimik lang?

BAKIT HINDI NIYA KINONSULTA ANG NAKARARAMI?


Teka muna. Eto sasagutin kita dyan. Yong pag-public hearing ba ng Sangguniang Bayan at pag-approve nong resolusyon na ipapadala dito sa akin, hindi pa ba sapat yan na batayan na yan ay idinaan na nila sa tao? Ako pa ba, ako bilang mayor, ako pa ba ang magpapublic hearing?(Alam mo naman na hindi nila sinunod eh!) sa tingin ko, hindi naaayon sa batas yan! may batas tayong sinusunod! sino na mga proper na tao! (nagkaroon ba ng public hearing?) eh di tanungin mo sa sangguniang bayan! (murmur) sandali, dahan-dahan tayo. ang trabaho ng legislation.. magbasa tayo ng local code. ang trabaho ng sangguniang bayan ay maglegislate. ako ay mag-execute lang. ministerial lang ang sa akin kung anong lumabas sa kanila, pag inaprubahan nila. ano ang power ng isang mayor? (Kahit na mali?) o eh anong gagawin mo eh yon ang lumabas sa sangguniang bayan? pwede kong i-veto, pwede kong di pirmahan pero yan ay tutuloy at tutuloy rin. (At least hindi mo sinunod yong maling gawain nila). o? kahit di ko masunod eh ano rin? ah hindi. nakikita ko ring tama yong gagawing project. bakit hindi ko tatayuan na.. bakit hindi ako sasang-ayon? lalo kung makakabuti? dahil tayo'y disinuwebe barangay ah? disinuwebe barangay wag nating iintindi sa isang barangay lang! dahil ang bumubuhay sa Aborlan hindi lang ang barangay san juan. labingsyam na barangay tayo na nangangailangan. at eto eto. ihahayag ko sa inyo. kung talagang ayaw ng san juan, bakit nanalo si grace dantic? na yes na sya ang pinag.. inaano ha. sya ang inaano bakit nanalo sya? (hindi, hindi basehan yan eh) hindi, pakinggan ninyo. bakit nanalo? ibig sabihin lamang pa rin ang may gusto! (hindi totoo yan) eh eh.. 




KAYO ANG HUMUSGA.


No comments:

Post a Comment