An Open Letter From A Palawan Resident


This is an open letter originally posted in https://www.facebook.com/notes/dulce-amor/bukas-na-liham/586834938030426. Reposted with permission.


Magandang araw po.

Ako po ay residente ng Aborlan, Palawan. Nararamdaman ko ang problema ng aming lugar kaya't kasama po ako ng aking mga kababayan na lumalapit sa inyo upang matulungan nyo kami.

Pumasok po sa isang agreement ang Palawan Electric Cooperative at DMCI na magtatayo po ng coal-fueled power plant. Una na pong tinanggihan ito ng mga residente ng Narra, Palawan, ilang kilometro mula sa amin. Ngayon po, dahil hindi tinanggap sa Narra, sa Aborlan nila ninanais na itayo ang planta.

Sa ngayon po ay nagkakaisa kaming mga magkakababayan sa pagtuligsa sa proyektong ito ng PALECO dahil alam namin na napakasama ng idudulot nito sa aming kalusugan at kapaligiran. Hindi po nagkulang ang mga siyentipiko ng Western Philippines University ng Aborlan sa pagpapaliwanag ng masamang epekto ng isang coal plant. Ipinapasara na nga po sa ibang bansa pero sa amin sa Palawan, ipinipilit naman - Palawan na naturingang Last Frontier, kinilala ng UNESCO bilang biosphere reserve, at top eco-tourism destination.

Ang aming gobernador mismo ang nangunguna sa pangungumbinsi sa mga tao na pumayag na sa coal plant. Katunayan, sya mismo ang nagsalita sa harap ng mga estudyante ng WPU kung saan tinawag nyang mga sinungaling ang mga propesor ng WPU dahil sa pagsasabi daw na masama ang coal.

Ang masakit pa lalo sa amin, inendorso na ng barangay officials ang coal project kahit walang public consultation kundi base lang sa kanilang interbyu diumano sa mga taong nakatira malapit sa coal plant sa Iloilo.

Noong October 10 ay nagkaroon ng special session ang mga San Juan barangay officials. Naghakot po ng mga tao gamit ang trak ng provincial government upang magpakita ng YES support! hindi po ba tahasang panloloko ito? Nandito po ang kabuuan ng mga larawang kuha sa lugar na pinagdausan ng session: https://www.facebook.com/marlene.jagmis/media_set?set=a.667895979896083.1073741969.100000270612486&type=1

Makikita nyo sa page na "No to Coal in Palawan" https://www.facebook.com/groups/NOTOCOALPALAWAN/) ang lahat ng larawan at sentimyento na magpapatunay ng aking mga inilahad sa liham na ito. Nawa'y matulungan nyo ang mga taga-Palawan upang maipatigil ang pagsusulong ng coal-fueled power plant sa aming lugar.

Maari po sanang maishare ninyo sa karamihan ang sulat na ito upang mas madaming makaalam ng nagaganap sa mahal nating Palawan. Kailangan po ng moral support ng aming lugar. Ang inyong pagsuporta sa pamamagitan ng pagsali sa online movement ay malaking tulong. Sana'y makarating hanggang sa media at pinakamatataas na opisyal ng gobyerno ang liham na ito. Salamat po.

Maraming salamat po sa inyong oras at atensyon.


1 comment:

  1. Ganito na pala kalala ang nangyayari dyan sa Palawan? OMG!

    ReplyDelete