DYAP Radio's Interview With Aborlan Vice Mayor

Below is the transcript of interview done by Jay Zabanal of DYAP Radio with Aborlan Vice Mayor ARISTON MADEJA. The transcribing was painstakingly done by Karis Faith Monteclaro Zaldivar of Aborlan, Palawan. Capitalization was changed, spelling was improved, and some missing letters were supplied to shortened words to help ease reading. Other than that, no other changes were made on her transcription.



JAY ZABANAL: with all due respect, yong desisyon po natin na bigyan ng endorsement base lang po sa Iloilo hindi po ito naka base sa technical working group dahil hindi na nakasubmit ng pag aaral ang technical working group po natin?

VICE MAYOR MADEJA: naka... nakakwa din.. marami rin ang napuntahan nila..yan lang nga walang mga dokumento na ano kundi talagang ano lang nagresearch lang talaga sila, nagtanong lang, nagpunta sa mayor, nagpunta sa mga barangay official, pero walang dokumento na sila ay may appearance na nagtanong sila kaya nga wala pero sila nakolektang information.

JAY ZABANAL: Kasi hindi po yan nakakarating sa atin sir, yan po ay nakakalungkot.

VICE MAYOR MADEJA: hindi naman kasi makakwan, na ano rin namin na, parang wala naman epekto kasi nakakontrolado siya kasi mimonitoring. pag lumampas siya don sa NOX sa SOX mamomonitor magkakaroon sila ng violation. doon sa batas natin, na mayroong control pinapayagan ng coal fired power plant sa Pilipinas pero may batas na sinusunod.

JAY ZABANAL: so sir ibig sabihin po talaga nagdesisyon po tayo na bigyan po ng endorsement kasi hindi natin kayang magbigay, makahu ng ika nga ng masusing imbestigasyon kaya ipa-sangguniang panglalawigan pati PCSD ang desisyon pero yon po ang ginawa nating desisyon kaya binigyan natin ng endorsement, hindi dahil alam natin yong Pros and Cons nong ano ika nga ay coal plant?

VICE MAYOR MADEJA: oo nga, kaya nga inendorse namin sa term na provisional na endorsement,kaya nga yon ang aming na kwan na term para maparating don sa sangguniang panlalawigan at makarating sa PCSD. kaya nga kasi sila talaga mag aaral kasi ang PCSD ay ang sustainable development of Palawan kailangan masunod ...

JAY ZABANAL: meron na po tayong nakuhang technical study mula DMCI?

VICE MAYOR MADEJA: meron, pero di pa nga naano, kasi yon nga di pa rin nacocomply, may ordinansa din kami ah regarding sa endorsement at dapat lahat comply nila ang mga requirements... naendorse namin na hindi sila nakapagcomply ng lahat na requirements. na endorse sa sangguniang panlalawigan pero po may mga .. provisional endorsement dahil hindi din namin , o hindi din nila macomply lahat kasi don sa sinasabi IEE Initial Environmental Examination ay dun din sa PCSD..

JAY ZABANAL: sa wari po ninyo, sa inyong palagay tama po ba yung ginawa ninyung desisyon even without sabi nga po ninyo kanina. kanina nyo po inuulit na medyo kulang po ang data natin. sa palagay po ninyo tama ang inyong desisyon natin na mag ah mag bigay o maglabas ng desisyon even po kahit medyo kulang po talaga, galing po sa inyo ang impormasyun na medyo kulang po ang hawak po natin na datus sir?

VICE MAYOR MADEJA: kasi po doon sa endorsements namin, ay merong pasubali na kung sila ay pagdating ng PCSD pagcomply na nila lahat ang mga requirements ay ibabalik muli dito sa sangguniang bayan ng Aborlan para final na eendorsement, dito naman sa sanguniang panlalawigan .....

JAY ZABANAL: Vice ano po ang mensahe natin sa mga tao na matindi po ang pinupukol po sa atin?

VICE MAYOR MADEJA: aah.. nais ko lamang po iparating sa akin mga kababayan, dito sa bayan ng Aborlan lalong lalo na po sa barangay San Juan at WPU, ang layunin po ng sangguniang bayan ng Aborlan ay talagang hindi masama. kami po ang layunin namin ay pro development, kaya lang nga nagtatalo kami doon sa kanilang mga internet sa mga ibang bansa na ang coal ay masama, pero dito naman sa pag-obserba namin sa Iloilo parang maganda rin kaya nga kami kung baga sa kwan, wala pa kaming desisyon talaga na.. na...aa... sigurado na yan ay tanggapin na, kaya nga yan sinasabi na kami ay nagkaroon ng endorsement pero for temporary lang na pag-aralan don sa higher na agency na sila po ang nakakaalam.. kaya nga sana.. sa mga kababayan ko wag kayong magalit nang husto sa sangguniang bayan kasi matagal na po nahuhuli na po ang bayan ng Aborlan. so kung tayo po ay sarado ang kaisipan natin sa development parang hindi na mag-angat ang Aborlan. kaya nga isa sana yan na malaki po ang economic development yan kasi malaki ang real property tax dyan at saka sa barangay may share din ....

JAY ZABANAL: may gusto nyo po ba mag-iwan ng mensahe sa kapamilya natin lalo na po sa medyo alam natin medyo matindi na po ang binabato sa sangguniang bayan ng Aborlan?

VICE MAYOR MADEJA: oo marami, talagang hindi lang bato, pati pag personal sa amin, talagang pinepersonal na kami, pati ang pagkatao namin na wala pong concern sa coal, talaga kami pinepersonal na parang tingin ko parang napupulitika na rin, marami pong mga pulitiko na sumama sa anti........ (at naputol ang linya)


No comments:

Post a Comment