DMCI SHIFTS COAL-FIRED POWER PLANT FROM ABORLAN TO BATO-BATO, NARRA




Mga Kababayan sa Palawan:


The efforts to put up a coal-fired power plant in Palawan is now in Barangay Bato-Bato, Narra, Palawan. Latest information from reliable sources, although not official, confirm that around 80% of the residents of Bato-Bato have approved the coal-fired power plant project of DMCI. Therefore, the fight against coal shifts from Puerto Princesa City and Aborlan to Narra, which is under the mayorship of Hon. Lucena Demaala.

Mga Kababayan, kung naaprubahan na po ng mayorya ng mga residente ng Bato-Bato ang coal plant (maigsing tawag natin sa coal-fired power plant), nasa kamay na po ng Sangguniang Bayan ng Narra ang susunod na hakbang: ang pag-aapruba at pagpapasa ng isang resolusyon na nag-eendorso ng coal plant.

Atin po sanang talasan ang ating mga pakiramdam, paningin, at pandinig upang tayo ay makabalita kung kailan at makadalo sa sesyon ng konseho ng Bayan ng Narra na tatalakay sa coal plant. Maaari po tayong humiling ng isang mas malawak na public hearing tungkol sa coal plant upang magkaroon tayo ng pagkakataon na ipahayag ang ating pagtutol. Naisin po natin na makialam sa mga desisyon na may direktang epekto sa atin bilang mga Palaweno. Huwag po tayong manahimik lamang. Ipaalala po natin sa ating mga inihalal na mga lider ng Narra na sila ay ating mga boses sa Konseho at hindi sila dapat nagsasalita o nagdedesisyon para lamang sa kanilang pansariling kapakinabangan.

Ipaglaban po natin ang ating kalikasan! Huwag maging sunud-sunuran sa kagustuhan ng iilang mga gahaman! Sumama po tayo sa mga gaganaping pagkilos!

KAHIT SAAN NYO DALHIN YAN, NO TO COAL PA RIN KAMI SA PALAWAN!!!