Letter of Endorsement

Below is the transcript of the letter of the Barangay Captain and some Kagawad of San Juan, Aborlan endorsing the proposed coal fired power plant. 



KGG. JOSE CH. ALVAREZ
Gobernador
Probinsiya ng Palawan

Mahal naming Gobernador:

Kaugnay sa planong pagtatayo ng coal-powered electric plant sa Barangay San Juan, Bayan ng Aborlan ng DMCI Palawan Power Corporation, kami na mga opisyales at residente ng nasabing barangay ay malayang nagpapahayag ng aming suporta para sa proyektong ito.

Napatunayan namin sa aming mga mata ng kami ay bumisita sa isang coal-powered plant ng DMCI sa Munisipyo ng La Paz, Iloilo na dahil sa bagong teknolohiya, malinis at walang masamang epekto sa kapaligiran ang naturang planta. Sa katunayan, maraming mga residente ang naninirahan sa paligid ng naturang planta na aming naka-usap at nagpatunay na walang masamang epekto sa kanilang pamumuhay ang operasyon ng nasabing planta. Sa halip, malaki ang tulong at kontribusyon ng planta sa kanilang buhay at kabuhayan, at sa ekonomiya at kaunlaran ng kanilang barangay, munisipyo at buong lalawigan ng Iloilo.

Nakausap din namin ang ilang mga sektor ng simbahang Katoliko, mga opisyales ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, mga opisyales ng barangay at iba pa na nagpatunay din na walang masamang epekto sa kapaligiran ang operasyon ng planta sa kanilang lugar.

Dahil dito, kami ay lubos na nagpapahayag ng aming suporta sa proyektong ito.

Marami pong salamat at pagpalain nawa tayo ng ating Poong Maykapal.

Lubos na gumagalang,

KGG. GRACE P. DANTIC
Punong Barangay

KGG. NELIA M. VENTURILLO
Barangay Kagawad

KGG. CLEMENCIA A. MACMAC
Barangay Kagawad

KGG. ROMEO B. REMO
Barangay Kagawad

KGG. JOHN A. PENEYRA
Barangay Kagawad

KGG. JANH CESAR REMO
SK Chairman

KGG. WILLYN VENTURILLO
Barangay Secretary

G. ROMEO FERRIOL
Residente